Saturday, February 26, 2011

Mga Pangyayari sa Buhay ni Paul Rey Royo

Ika-13 ng Nobyembre, taong 1995, dumating ako sa buhay ng mag-asawang Reynold at Belina Royo.
Isinilang ako sa City Hospital ng San Pablo, ngunit lumaki at nagkamuwang sa San Benito, Alaminos Laguna. Bininyagan ako sa chapel ng San Benito noong ika-03 ng Abril, taong 1996.

Dati kaming nakatira sa San Crispin, sa San Pablo, ngunit nang lumipat sa Calamba ang pinagtatrabahunan ng ama ko, ay lumipat kami sa San Benito, sa lolo at lola ko. Hanggang sa ngayon ay dito pa rin kami nakatira. Gusto ko sana na isang araw ay magkaroon ako ng trabaho upang makapagpagawa ako nang sarili kong bahay. Bukod sa akin, may anak pa sina mama at papa, sina Mark at Erika. Si Mark ang sumunod sa akin at si Erika naman ang bunso.
Ginanap noong ika-13 ng Nobyembre, taong 1996 ang aking unang kaarawan. Bagaman bata pa ako noon, ay may mga nagpapaala-ala sa akin ng mga pangyayari noong araw na iyon, gaya ng nasa larawan.

Gaya ng karamihan maraming lobo noon sa amin. Marami ring mga handa, may gelatin, mga sandwich, pansit, puto, mga marshmallow at hotdog na nakatusok sa stick, ang walang kamatayang spaghetti at siyempre ang cake. Marami ring dumalong mga bisita. Naroon ang mga ninong at ninang ka, mga kaibigan ng papa at mama ko at kanilang mga kakilala at kamag-anak.

Sa buhay estudyante naman: Nag-kinder ako noon sa San Nicolas noong limang taong gulang pa lamang ako. Ako ay tumuntong sa unang baitang nang ako ay pitong taong gulang na ako. Marami akong naging kaibigan noon. Yung iba sa mga naging kasundo ko sa paaralan ng San Nicolas ay yung mga nakaaway ko dati. Dito rin sa paaralang ito nagkamit ako ng iba't-ibang parangal.

Nang tumuntong ako ng ika-5 baitang, dito ako nagsimulang maging aktibo sa mga gawaing pansimbahan. Kaya noong bakasyon sumama ako sa isang kamping ng mga magsasakristan. Nang lumaon ay nawili ako sa mga gawain sa simbahan kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasakristan. Kahit may pasok na noon ay patuloy pa rin akong nagsisilbi sa simbahan.

Noong nasa ika-6 na baitang na ako, nagsimula na akong maghanap ng mapapasukan sa high school. Kumuha ako ng mga pagsusulit sa Liceo de San Pablo at sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Dahil sa ako ay waiting list lang sa Liceo kaya sa Dizon ako nagdesisyong pumasok sa high school.

Nang dumating ang araw ng aming graduation, masaya ang lahat, dahil sa wakas ay makakatungtong na kami sa high school kapag natapos na ito na isang hakbang tungo sa aming mga pangarap. Pero kaalinsabay nito ay may mga nalungkot rin, kasama na ako, dahil magkakahiwa-hiwalay na kami. Siyempre hindi maiiwasan ang magkahiwa-hiwalay kami dahil magkakaiba kami ng piniling pasukan. Ngunit bago kami tuluyang maghiwalay ng landas ay nagkaroo kami ng swimming noong ika-29 ng Marso, taong 2008.

Noong unang araw ng pasukan para sa taong 2008, masyado akong kinakabahan dahil hindi ko pa kilala ang mga tao sa Dizon High, kaya maging sa mga kaklase ko ay hindi ako kumikibo. Ngunit unti-unti akong nakibagay sa kanila, dahil hindi ko naman maiiwasan na hindi sila makasalamuha sa araw-araw. Hanggang sa nakilala ko sila nang mabuti. Kaya kahit na minsa'y nahihirapan ako sa mga aralin sa eskwela, bukod sa pamilya ko, iniisip ko rin ang mga dati kong mga kaklase at gayundin ang mga kaklase ko ngayon, upang hindi naman masayang ang mga pagsisikap ko, ay pinipilit ko pa rin na makapasa.

At ngayong ako ay nasa ikatlong taon na sa high school, ay pipilitin ko pa ring makapasok sa section science sa ika-apat na pagkakataon.

No comments:

Post a Comment