Monday, August 22, 2011

Tadhana



 Misteryoso ang buhay/ para sa mga tao
Isang kinabukasang/ hindi mo sigurado
Ito ay ang tadhanang/ hindi mo mababago
Gaya ng isang batas/ na inukit sa bato.

Para sa mga bayan,/ lungsod o kaharian
Noong mga panahong/ uso pa ang hulaan
Propeta't manghuhula'y/ pinaniniwalaan
Upang pangalagaan/ ang pag-unlad ng bayan.

Sa lumang Pilipinas/ tao'y naniniwala
Sa bilin ng babaylan/ at d'yos na si Bathala
Upang di pagkaitan/ ni Bathalang dakila
Sa kanilang paglisan,/ sila'y maging payapa.

Pagdating sa proteksyon/ ng kanilang barangay
Sila ay dumudulog/ sa hula ng babaylan
Sila ay umaasa/ na 'wag sanang maganap
Trahedyang magdudulot/ ng kanilang pagbagsak.

'Di lang sa Pilipinas/ maging sa ibang bansa
Malalaking nasyon man/ o maliit na pulo
Malaki ang tiwala/ sa kanilang tadhana
na siyang naging daan/ sa kanilang paglago.

Mga makasariling/ kung tawagin ay Intsik
Kanilang dinastiya'y/ may batas na mahigpit
Kung mandato ng langit/ sa hari'y mawaglit
May nakatadhana nang/ sa p'westo niya'y pumalit.

Bukod dito sa Asya/ alam din sa Europa
Ang paniniwala at/ pag-ayon sa tadhana
Naniniwala silang/ talagang itinakda
Ang kanilang tadhana/ na manakop ng bansa.

'Di sa lahat ng oras/ tadhana ay tagumpay.
Sa isang mapayapa't/ malaking kaharian
Ng palasyo ng Troy/ na minsang pinasukan,
Sinunog at winasak/ ng lahi ng Spartan.

Ang tadhana ay parang/ 'sang larong kumplikado
Nasa iyong sarili/ kung ika'y mananalo.
'Wag isisi sa iba/ ang iyong pagkatalo,
Dahil 'kaw ang gagawa/ nang iyong pagkatao.

'Di masamang alamin/ ang ganitong kaisipan
Basta huwag abusuhin/ at palaging asahan
Ang mga pag-iisip/ sa iyong hinaharap,
Dahil mas masarap/ ang tagumpay ng naghirap.


No comments:

Post a Comment