Sa isang paaralan na kung tawagin ay Col. Lauro D. Dizon MNHS nagsimula ang kwento ng isang computer. Dahil sa maraming pakinabang ang mga estudyante kung matuto silang gumamit nito, kaya nagkaroon o nadagdagan ang mga asignatura ng mga estudyante, ito ay ang computer. Kaya nagpatawag ng pagpupulong ang punong guro sa may Grand Stand.
"Simula sa araw na ito ay magkakaroon tayo ng bagong asignatur at magtatalaga ako ng mga guro na hahawak rito," ang sabi ng punong guro.
At may isang estudyante ang naglakas ng loob na magtanong,"Eh Mam, ano po ba yung asignaturang balak ninyong idagdag?"
"Sigurado akong marami na sa inyo na nakaranas nang gumamit nito, lalo na yung mga nagpuputol ng oras ng kanilang klase para lamang makapaglaro nito," asng sabi ng punong guro.
At may ilang nanghula kung ano ito. Sabi ng isa,"Mam, Mam, alam ko po iyan, bilyar!"
"Hindi," ang sagot niya.
"Eh Mam, alam ko na po, kara po iyan!" ang sabi ng isa.
"Puro sugal ang nasa isip ninyo, kaya puro mali ang hula ninyo!" ang pagalit niya. "Ang sinasabi ko ay computer," dugtong niya.
"Iyon na sana ang sasabihin ko eh," ang pabirong sabi ng isa.
"Puro talaga kayo kalokohan, mabuti pa ay maghanda na kayo dahil bukas na bukas ay magkakaroon na ng computer na asignatura ang ating paaralan," sabi niya.
Kinabukasan ay dumating na ang computer. Maraming estudyante ay nagustuhan ang pamamaraan ng pagkakatuto ng asignaturang ito. Mainit ang naging pagtanggap ng mga mag-aaral sa computer, kaya nagustuhan ng computer ang pamamalagi sa computer room ng paaralan.
"Masaya akong paglingkuran kayo," wika niya. "Ibibigay ko lahat ng impormasyong nais ninyong makuha," dagdag pa niya.
Naging masaya naman ang pamamalagi ng computer sa paaralang iyon. Tila ba naging tahanan na niya ang computer room doon. Para bang ayaw na niyang mawalay sa lugar na iyon. Iyon na rin ang naging saksi sa mga masasakit at mga masasayang pangyayari sa kanyang buhay. Narito ang ilan sa mga naging karanasan niya simula nang mapunta siya sa lugar na iyon.
Nang bago pa lamang siya sa paaralan, ay idinaos ang taunang intramurals sa paaralan. Bagaman nasa loob siya ng computer room ay nalalaman rin niya ang mga kaganapan sa loob ng paaralan. Dahil sa kinukuhanan ng mga larawan at video ang ang mga kaganapan sa intramurals.
"Wow! Ang dami namang tao," ang pagkamangha ng computer.
"Pwede mo bang isalaysay kung ano ang mga nakalap mong datos," ang pakiusap ng electric fan.
"Oo nga, ikwento mo naman sa amin isa-isa," ang dagdag pa ng air con.
"Buti na lang at ako ay isang computer," ang sabi ng computer.
"Oo na, huwag ka nag mayabang," biglang sabi ng ilaw na noo'y nakikinig din pala.
"O sige, ipagpapatuloy ko na ang aking sinasabi," sabi ng computer.
Ikinuwento nga ng computer ang mga pangyayari doon. Kung sino ang mga nanalo, yung mga tumanggap ng parangal at mga pabuya.
"Totoo ba ang lahat ng iyon?" tanong ng ilaw. "Kung gayon, magaling pala talaga ang mga manlalarong tumanggap ng mga parangal," sabi ng electric fan.
"Oo naman, magaling talaga ang mga iyon," sabi ng computer.
Nagpatuloy sa pagkukwento ang computer. Naging masay ang araw na iyon para sa aknilang apat, lalo na para sa computer. Naging kaibigan ng computer sina electric fan, air con at ilaw.
Tumagal ang pananatili ng computer sa paaralang iyon hanggang may isang pangyayari ang naganap.
"Mam, ipinatawag ninyo daw po ako?" ang tanong ng isang guro sa punong guro.
"Oo, may sasabihin kasi ako sa iyo. May sapat na pondo na ang ating paaralan upang bumili ng mga brand new computers . Ikaw sana ang gusto kong mamahala sa pagbili ng mga ito at at tungkol naman doon sa lumang computer sa opisina ko na muna iyon ilalagay," sabi ng punong guro.
Dahil sa may computer room sila nag-uusap, narinig sila ng apat na magkakaibigan. Nasaktan ang computer dahil sa kanyang narinig.
"Naku, paano na iyan?" ang tanong ng ilaw.
"Ano ba ang ibig mong sabihin?" ang tanong ng air con.
"Hindi ka ba nag-iisip, maaaring hindi na natin makita pa si computer kapag dumating na ang mga papalit sa kanya," ang paliwanag ng electric fan.
Kinabukasan ay dumating na ang mga bagong computer. Marami ang natuwa at hindi na napansin ang lumang computer. Kaya malungkot na malungkot ang mga magkakaibigan.
Hindi tulad ng naunang computer, hindi nakasundo ng tatlo ang mga bagong computer, dahil lubhang mayayabang ang mga ito at hindi pa nakikisama sa kanila dahil daw sila ay mga bago at matataas ang kalidad.
"Namimis ko na ang kaibigan natin," sabi ni electric fan.
"Oo, ako rin, namimis ko na rin siya," sabi ni ilaw.
Punong-puno ng panghihinayang at kalungkutan ang tatlo para sa kanilang kaibigan.
Kinabukasan, hinahanap ng punong guro ang mga impormasyon tungkol sa presyo ng mga computer at nagtataka siya, sapagkat ang alam niya ay dapat may matitira sa pondo. Gusto niyang makatiyak kaya hinanap niya ang mga files tungkol sa presyo ng mga computer, ngunit wala siyang nakita kaya ginamit niya ang lumang computer at nakita niya ang hinahanp na ebidensiya gamit ang mga nai-record na video.
"Hindi ka na nahiya, teacher ka pa mandin ngunit bakit mo nagawang pagnakawan ang eskwelahang pinagtatrabahunan?" ang pagalit ng punong guro. "Dahil sa ginawa mo sinususpinde kita ng dalawang buwan at babayaran mo pa ang paaralang ito."
Dahil sa naitulong ng computer ay hindi na ito ipinagbili pa at tuwang-tuwa ang magkakaibigan sa balitang iyon.
"Yehey, hindi na mawawala pa ang ating kaibigan," sabi ni electric fan.
"Oo nga, masayang-masaya kami para sa iyo," sabi ng dalawa pa niyang kaibigan.
"Maraming salamat sa inyo, ako rin ay natutuwa, hindi ko rin akalain na kahit luma na ako ay may pakinabang pa," sabi ng computer
No comments:
Post a Comment