Monday, August 22, 2011

Tadhana



 Misteryoso ang buhay/ para sa mga tao
Isang kinabukasang/ hindi mo sigurado
Ito ay ang tadhanang/ hindi mo mababago
Gaya ng isang batas/ na inukit sa bato.

Para sa mga bayan,/ lungsod o kaharian
Noong mga panahong/ uso pa ang hulaan
Propeta't manghuhula'y/ pinaniniwalaan
Upang pangalagaan/ ang pag-unlad ng bayan.

Sa lumang Pilipinas/ tao'y naniniwala
Sa bilin ng babaylan/ at d'yos na si Bathala
Upang di pagkaitan/ ni Bathalang dakila
Sa kanilang paglisan,/ sila'y maging payapa.

Pagdating sa proteksyon/ ng kanilang barangay
Sila ay dumudulog/ sa hula ng babaylan
Sila ay umaasa/ na 'wag sanang maganap
Trahedyang magdudulot/ ng kanilang pagbagsak.

'Di lang sa Pilipinas/ maging sa ibang bansa
Malalaking nasyon man/ o maliit na pulo
Malaki ang tiwala/ sa kanilang tadhana
na siyang naging daan/ sa kanilang paglago.

Mga makasariling/ kung tawagin ay Intsik
Kanilang dinastiya'y/ may batas na mahigpit
Kung mandato ng langit/ sa hari'y mawaglit
May nakatadhana nang/ sa p'westo niya'y pumalit.

Bukod dito sa Asya/ alam din sa Europa
Ang paniniwala at/ pag-ayon sa tadhana
Naniniwala silang/ talagang itinakda
Ang kanilang tadhana/ na manakop ng bansa.

'Di sa lahat ng oras/ tadhana ay tagumpay.
Sa isang mapayapa't/ malaking kaharian
Ng palasyo ng Troy/ na minsang pinasukan,
Sinunog at winasak/ ng lahi ng Spartan.

Ang tadhana ay parang/ 'sang larong kumplikado
Nasa iyong sarili/ kung ika'y mananalo.
'Wag isisi sa iba/ ang iyong pagkatalo,
Dahil 'kaw ang gagawa/ nang iyong pagkatao.

'Di masamang alamin/ ang ganitong kaisipan
Basta huwag abusuhin/ at palaging asahan
Ang mga pag-iisip/ sa iyong hinaharap,
Dahil mas masarap/ ang tagumpay ng naghirap.


Saturday, February 26, 2011

Mga Pangyayari sa Buhay ni Paul Rey Royo

Ika-13 ng Nobyembre, taong 1995, dumating ako sa buhay ng mag-asawang Reynold at Belina Royo.
Isinilang ako sa City Hospital ng San Pablo, ngunit lumaki at nagkamuwang sa San Benito, Alaminos Laguna. Bininyagan ako sa chapel ng San Benito noong ika-03 ng Abril, taong 1996.

Dati kaming nakatira sa San Crispin, sa San Pablo, ngunit nang lumipat sa Calamba ang pinagtatrabahunan ng ama ko, ay lumipat kami sa San Benito, sa lolo at lola ko. Hanggang sa ngayon ay dito pa rin kami nakatira. Gusto ko sana na isang araw ay magkaroon ako ng trabaho upang makapagpagawa ako nang sarili kong bahay. Bukod sa akin, may anak pa sina mama at papa, sina Mark at Erika. Si Mark ang sumunod sa akin at si Erika naman ang bunso.
Ginanap noong ika-13 ng Nobyembre, taong 1996 ang aking unang kaarawan. Bagaman bata pa ako noon, ay may mga nagpapaala-ala sa akin ng mga pangyayari noong araw na iyon, gaya ng nasa larawan.

Gaya ng karamihan maraming lobo noon sa amin. Marami ring mga handa, may gelatin, mga sandwich, pansit, puto, mga marshmallow at hotdog na nakatusok sa stick, ang walang kamatayang spaghetti at siyempre ang cake. Marami ring dumalong mga bisita. Naroon ang mga ninong at ninang ka, mga kaibigan ng papa at mama ko at kanilang mga kakilala at kamag-anak.

Sa buhay estudyante naman: Nag-kinder ako noon sa San Nicolas noong limang taong gulang pa lamang ako. Ako ay tumuntong sa unang baitang nang ako ay pitong taong gulang na ako. Marami akong naging kaibigan noon. Yung iba sa mga naging kasundo ko sa paaralan ng San Nicolas ay yung mga nakaaway ko dati. Dito rin sa paaralang ito nagkamit ako ng iba't-ibang parangal.

Nang tumuntong ako ng ika-5 baitang, dito ako nagsimulang maging aktibo sa mga gawaing pansimbahan. Kaya noong bakasyon sumama ako sa isang kamping ng mga magsasakristan. Nang lumaon ay nawili ako sa mga gawain sa simbahan kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasakristan. Kahit may pasok na noon ay patuloy pa rin akong nagsisilbi sa simbahan.

Noong nasa ika-6 na baitang na ako, nagsimula na akong maghanap ng mapapasukan sa high school. Kumuha ako ng mga pagsusulit sa Liceo de San Pablo at sa Col. Lauro D. Dizon MNHS. Dahil sa ako ay waiting list lang sa Liceo kaya sa Dizon ako nagdesisyong pumasok sa high school.

Nang dumating ang araw ng aming graduation, masaya ang lahat, dahil sa wakas ay makakatungtong na kami sa high school kapag natapos na ito na isang hakbang tungo sa aming mga pangarap. Pero kaalinsabay nito ay may mga nalungkot rin, kasama na ako, dahil magkakahiwa-hiwalay na kami. Siyempre hindi maiiwasan ang magkahiwa-hiwalay kami dahil magkakaiba kami ng piniling pasukan. Ngunit bago kami tuluyang maghiwalay ng landas ay nagkaroo kami ng swimming noong ika-29 ng Marso, taong 2008.

Noong unang araw ng pasukan para sa taong 2008, masyado akong kinakabahan dahil hindi ko pa kilala ang mga tao sa Dizon High, kaya maging sa mga kaklase ko ay hindi ako kumikibo. Ngunit unti-unti akong nakibagay sa kanila, dahil hindi ko naman maiiwasan na hindi sila makasalamuha sa araw-araw. Hanggang sa nakilala ko sila nang mabuti. Kaya kahit na minsa'y nahihirapan ako sa mga aralin sa eskwela, bukod sa pamilya ko, iniisip ko rin ang mga dati kong mga kaklase at gayundin ang mga kaklase ko ngayon, upang hindi naman masayang ang mga pagsisikap ko, ay pinipilit ko pa rin na makapasa.

At ngayong ako ay nasa ikatlong taon na sa high school, ay pipilitin ko pa ring makapasok sa section science sa ika-apat na pagkakataon.

Monday, February 14, 2011

History of My Blog's Name

In the history many great names became famous. They became memorable to the people. But in case of my blog's name, it is the reversed of them. Not the reverse of being popular, but the reversed of being so serious. My teacher in computer, Mr. Denis Lacsam, suggested us not  to become so serious when it comes to our blog's name. Due to some reasons, first people may not memorize it easily if it is too serious because people wants a  humorous name. Second is, readers may become bored when they see that the title was so serious. They might think that the blogger wasn't consider the likes and don't likes of the readers. So I think a name that it was not so serious but has sense.

"Kapitan Boomz" was the name I choose for my blog. I got the idea of Boomz to a game in Facebook which is  Boomz. I think that readers will enjoy reading my articles, because they can relate to the title of my blog.





And I got the other word which is "Kapitan" from my teacher's suggestion.

I hope you like visiting my Blog. Thank for reading my articles. God Bless and happy blogging!

Percy Jackson and the Olympians: The Lightning Thief

                                                                                 
Tauhan: Percy Jackson, Annabeth, Grover, Sally, Chiron/Mr. Brunner, Luke, Zeus, Poseidon, Hades at mga Diyos sa Griyego
Pinangyarihan: Hollywood, Underworld, Empire State Building, Yancy Academy, Lotus Casino, Parthenon Museum at Mt. Olympus
Buod:
Matapos ang mahabang panahong hindi pagkikita ng magkapatid na Zeus at Poseidon na mga diyos ng mga Griyego, sila ay nagkita sa tuktok ng Empire State Building. Itinanong ni Zeus kay Poseidon kung ano daw ang nakikita nito sa kalangitan. Sinagot siya ni Poseidon na mga ulap ang kanyang nakikita. Sumagot si Zeus na tama, mga ulap ngunit walang kidlat. Ninakaw daw ang Lightning Bolt niya na itinuturing na pinakamakapangyarihang sandata na nilikha. Matagal nang magkakaribal ang magkakapatid sa pamumuno. Ngunit sinabi ni Poseidon na sumumpa  sila na titigil na sa pagnanakaw ng kapangyarihan ng bawat isa. Sinabi ni Zeus na sila nga ay sumumpa ngunit hindi ang kanilang mga anak. Si Zeus at Poseidon lamang ang may anak kaya napagbintangan niya si Poseidon. Kailangan daw maibalik kay Zeus ang lightning bolt niya sa loob ng labing-apat na araw, o kung ay magkakaroon ng isang digmaan.

Sa kabilang dako, isang estudyante sa Yancy Academy ang pinagbibintangang nagnakaw ng lightning bolt na si Percy Jackson. Kaya nitong tumagal sa ilalim ng tubig na may pitong minuto, kaya hindi maipagkakaila na siya ay anak ni Poseidon. Wala siyang kamuwang-muwang tungkol sa mga bagay na ito, dahil kahit minsan ay hindi niya nakilala ang sariling ama. Lagi niyang kasama sa eskwela si Grover na isang pilay. Sa kanilang klase sa English tinanong siya ng kanyang guro kung ano sa palagay niya ang ibig sabihin ni Shakespeare sa isang parte ng kanyang tula. May mga namuong salita sa kanyang isip, ngunit sinabi niya na hindi niya alam ang sagot.

Kakaiba ang pangyayaring iyon sa kanya dahil isang beses pa lang nangyari iyon sa kanya. Mayroon siyang tumatayong ama ngunit napakalasenggero at mukha pang mananakit kapag hindi nasunod ang gusto. Kung hindi lang sana sila nakikitira rito ay hindi siya magdadalawang isip na patulan ito.

May klase sila kay Mr. Brunner tungkol sa Greek Mythology. Isang pilay si Mr. Brunner na naka-wheelchair. Sinabi nito kung paano kinilala sina Zeus, Poseidon at Hades bilang mga diyos. Tinanong niya si Percy kung makapagbibigay ito ng isang demigod o anak ng diyos at isang tao at may pagkakatulad daw sila. Biglang may mga namuong salita na naman sa kanyang isip at naisagot niya ay Perseus. Sinabi ni Mr. Brunner na tama iyon at habang nagpapatuloy sila sa klase ay tinawag si Percy ng kanyang English teacher. Sumunod siya rito at nagulat siya nang magbago ito ng anyo at naging isang fury. Hinahanap nito kay Percy ang lightning bolt ngunit hindi niya alam kung ano ang bagay na ito. Buti na lang at dumating si Mr. Brunner at pinigilan ang fury.Sinabi niya kay Grover na kailangan nang mailayo rito si Percy at ang ina nitong si Sally.

Pumunta nga sina Percy sa kanila at isinama si Sally. Alam na ng kanyang ina kung saan sila pupunta habang si Percy ay litung-lito pa rin. Habang pupunta sila sa isang lihim na lugar ay biglang may naghagis ng baka,. Kaya lumabas sila sa kotse at nalaman ni Percy na si Grover ay isang Halfgoat. Ligtas na sana sila nang makapasok sila camp Halfblood, ngunit hindi natiis ni Percy ang kanyang ina na nakuha ng isang minotaur. Tinapos niya ang buhay ng minotaur ngunit hindi niya nabawi ang kanyang ina at siya'y nawalan ng malay.

Ilang araw ding nakatulog si Percy. Samantala, inilibot siya ni Grover sa kampo. Napag-alaman niya na si Chiron si Mr. Brunner kapag nasa anyong centaur ito. At dito niya rin nakilala si Annabeth na anak ni Athena na kanyang natalo sa isang laban. Sinabi ni Chiron kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Nagpakita si hades sa kampo at sinabi kay Percy na ibabalik nito ang kanyang ina kung ibibigay sa kanya ang lightning bolt.

Palihim na naglakbay sina Percy, Grover at Annabeth, upang makuha ang mga perlas ni Persephone na magagamit nila sa paglabas sa underworld. Binigyan ni Luke, anak ni Hermis, si Percy ng mga kagamitan na makatutulong sa kanya.

Una nilang nakita ang asul na perlas kay Medusa. Pinatay ni Percy si Medusa at kinuha ang ulo nito. Pangalawa  ay sa Parthenon Museum. Madali lang ang pagkuha ng perlas sa korona ng estatwa ni Athena, ngunit naging mahirap ang pakikipaglaban sa hydra. Dahil sa bawat ulong naputol ay may dalawang tutubo. Buti na lang at dala pa ni Grover ang ulo ni Medusa at ginawang bato ang hydra. Ang pangatlo ay sa Lotus Casino sa Las Vegas. May mga pumigil sa kanila sa pag-alis kaya dito sila nagtagal. Buti na lang at natauhan si Percy at sila ay nakaalis doon.

Sa Hollywood sila nagtungo, dahil naroon ang daan patungo sa Underworld.
Madali lang ang pagpasok doon, ang mahirap ay ang makalabas dahil kay Hades. Nakita ni Hades ang lightninng bolt sa kalasag ni Percy na sinadya pala ni Luke. Akala nila ay katapusan na nila, ngunit nakaligtas sila sa pamamagitan ni Persephone. Kinuha niya nag lightning bolt kay Hades na animo'y namamangha sa ganda nito at biglang tinira si Hades. Dahil sa tatlo lang ang perlas na magagamit ay nagpaiwan si Grover pansamantala sa Underworld.

Akala nila ay tapos na ang problema at pumunta na sila sa Empire State Building. Naroon pala si Luke at sila ay pinigilan. Galit si Luke sa lahat ng diyos pati na sa ama niya na si Hermis. Isa pa ay matagal na ang naging pamumuno nila kaya gusto niya na maiba naman ang mamumuno. Nilabanan ni Percy si Luke, ngunit malapit na ang itinakdang oras ni Zeus. Ilang saglit pa ay natalo niya si Luke at nabawi ang lightning bolt.

Isinauli na niya ito kay Zeus. Tama daw ang naging desisyon niya na isauli ito. Sinabi ni Percy ang lahat. Humingi ng kapatawaran si Poseidon sa kanya. Simula noon ay sa kampo na siya namuhay bilang isang demigod.

Saturday, February 12, 2011

Guidelines to Become a Good Netizen

We all know that internet is one of the most helpful gadget that was discovered. And like cellphones, mp3, mp4, video cameras, etc. can be harmful if it was abused and used it in a wrong way. So you should be responsible in using the internet. It might harm you because you may be sentence or punish because of unresponsible use of internet especially in blogging.

Nowadays, bloggers are irresponsible users of blog. They use it to blackmail somebody. Others use it to express their feelings, but, sometimes they are exceeding, because they published porn pictures which are not better.

As a netizen you should not be irresponsible on using blog, so you should think first before you publish something. And also you should not tell the password of your blog, because somebody may use your blog, and you should remember that the one who are responsible of in any article being published to your blog is you, even you do not published it. And also you should not use blog that you do not own, remember the saying that "Don't do to others what you don't want others do to you". And this is right, others will be good to you if you do good to them.

Another tip is be polite in any of your published article, because readers want to read reading materials that was written in a good way. Because, if you want to read something, do you want to read disgusting words or see pictures that are not necessary to your age.

As I mention the word "age", you should consider the age of your readers. If you think your article is for adults, you should require the parents to have guidance to their children as in the sign of rated PG(Parental Guidance).

This is one of the tips Ican share to you to become a good netizen. Thank you for reading. Hopefully you will use this guidelines. God Bless and happy blogging.

Kahit Luma na may Pakinabang pa rin

Sa isang paaralan na kung tawagin ay Col. Lauro D. Dizon MNHS nagsimula ang kwento ng isang computer. Dahil sa maraming pakinabang ang mga estudyante kung matuto silang gumamit nito, kaya nagkaroon o nadagdagan ang mga asignatura ng mga estudyante, ito ay ang computer. Kaya nagpatawag ng pagpupulong ang punong guro sa may Grand Stand.

"Simula sa araw na ito ay magkakaroon tayo ng bagong asignatur at magtatalaga ako ng mga guro na hahawak rito," ang sabi ng punong guro.

At may isang estudyante ang naglakas ng loob na magtanong,"Eh Mam, ano po ba yung asignaturang balak ninyong idagdag?"
"Sigurado akong marami na sa inyo na nakaranas nang gumamit nito, lalo na yung mga nagpuputol ng oras ng kanilang klase para lamang makapaglaro nito," asng sabi ng punong guro.
At may ilang nanghula kung ano ito. Sabi ng isa,"Mam, Mam, alam ko po iyan, bilyar!"
"Hindi," ang sagot niya.
"Eh Mam, alam ko na po, kara po iyan!" ang sabi ng isa.
"Puro sugal ang nasa isip ninyo, kaya puro mali ang hula ninyo!" ang pagalit niya. "Ang sinasabi ko ay computer," dugtong niya.
"Iyon na sana ang sasabihin ko eh," ang pabirong sabi ng isa.
"Puro talaga kayo kalokohan, mabuti pa ay maghanda na kayo dahil bukas na bukas ay magkakaroon na ng computer na asignatura ang ating paaralan," sabi niya.

Kinabukasan ay dumating na ang computer. Maraming estudyante ay nagustuhan ang pamamaraan ng pagkakatuto ng asignaturang ito. Mainit ang naging pagtanggap ng mga mag-aaral sa computer, kaya nagustuhan ng computer ang pamamalagi sa computer room ng paaralan.

"Masaya akong paglingkuran kayo," wika niya. "Ibibigay ko lahat ng impormasyong nais ninyong makuha," dagdag pa niya.

Naging masaya naman ang pamamalagi ng computer sa paaralang iyon. Tila ba naging tahanan na niya ang computer room doon. Para bang ayaw na niyang mawalay sa lugar na iyon. Iyon na rin ang naging saksi sa mga masasakit at mga masasayang pangyayari sa kanyang buhay. Narito ang ilan sa mga naging karanasan niya simula nang mapunta siya sa lugar na iyon.

Nang bago pa lamang siya sa paaralan, ay idinaos ang taunang intramurals sa paaralan. Bagaman nasa loob siya ng computer room ay nalalaman rin niya ang mga kaganapan sa loob ng paaralan. Dahil sa kinukuhanan ng mga larawan at video ang ang mga kaganapan sa intramurals.

"Wow! Ang dami namang tao," ang pagkamangha ng computer.
"Pwede mo bang isalaysay kung ano ang mga nakalap mong datos," ang pakiusap ng electric fan.
"Oo nga, ikwento mo naman sa amin isa-isa," ang dagdag pa ng air con.
"Buti na lang at ako ay isang computer," ang sabi ng computer.
"Oo na, huwag ka nag mayabang," biglang sabi ng ilaw na noo'y nakikinig din pala.
"O sige, ipagpapatuloy ko na ang aking sinasabi," sabi ng computer.

Ikinuwento nga ng computer ang mga pangyayari doon. Kung sino ang mga nanalo, yung mga tumanggap ng parangal at mga pabuya.

"Totoo ba ang lahat ng iyon?" tanong ng ilaw. "Kung gayon, magaling pala talaga ang mga manlalarong tumanggap ng mga parangal," sabi ng electric fan.
"Oo naman, magaling talaga ang mga iyon," sabi ng computer.

Nagpatuloy sa pagkukwento ang computer. Naging masay ang araw na iyon para sa aknilang apat, lalo na para sa computer. Naging kaibigan ng computer sina electric fan, air con at ilaw.

Tumagal ang pananatili ng computer sa paaralang iyon hanggang may isang pangyayari ang naganap.
"Mam, ipinatawag ninyo daw po ako?" ang tanong ng isang guro sa punong guro.
"Oo, may sasabihin kasi ako sa iyo. May sapat na pondo na ang ating paaralan upang bumili ng mga brand new computers . Ikaw sana ang gusto kong mamahala sa pagbili ng mga ito at at tungkol naman doon sa lumang computer sa opisina ko na muna iyon ilalagay," sabi ng punong guro.

Dahil sa may computer room sila nag-uusap, narinig sila ng apat na magkakaibigan. Nasaktan ang computer dahil sa kanyang narinig.
"Naku, paano na iyan?" ang tanong ng ilaw.
"Ano ba ang ibig mong sabihin?" ang tanong ng air con.
"Hindi ka ba nag-iisip, maaaring hindi na natin makita pa si computer kapag dumating na ang mga papalit sa kanya," ang paliwanag ng electric fan.

Kinabukasan ay dumating na ang mga bagong computer. Marami ang natuwa at hindi na napansin ang lumang computer. Kaya malungkot na malungkot ang mga magkakaibigan.

Hindi tulad ng naunang computer, hindi nakasundo ng tatlo ang mga bagong computer, dahil lubhang mayayabang ang mga ito at hindi pa nakikisama sa kanila dahil daw sila ay mga bago at matataas ang kalidad.

"Namimis ko na ang kaibigan natin," sabi ni electric fan.
"Oo, ako rin, namimis ko na rin siya," sabi ni ilaw.

Punong-puno ng panghihinayang at kalungkutan ang tatlo para sa kanilang kaibigan.

Kinabukasan, hinahanap ng punong guro ang mga impormasyon tungkol sa presyo ng mga computer at nagtataka siya, sapagkat ang alam niya ay dapat may matitira sa pondo. Gusto niyang makatiyak kaya hinanap niya ang mga files tungkol sa presyo ng mga computer, ngunit wala siyang nakita kaya ginamit niya ang lumang computer at nakita niya ang hinahanp na ebidensiya gamit ang mga nai-record na video.

"Hindi ka na nahiya, teacher ka pa mandin ngunit bakit mo nagawang pagnakawan ang eskwelahang pinagtatrabahunan?" ang pagalit ng punong guro. "Dahil sa ginawa mo sinususpinde kita ng dalawang buwan at babayaran mo pa ang paaralang ito."

Dahil sa naitulong ng computer ay hindi na ito ipinagbili pa at tuwang-tuwa ang magkakaibigan sa balitang iyon.
"Yehey, hindi na mawawala pa ang ating kaibigan," sabi ni electric fan.
"Oo nga, masayang-masaya kami para sa iyo," sabi ng dalawa pa niyang kaibigan.
"Maraming salamat sa inyo, ako rin ay natutuwa, hindi ko rin akalain na kahit luma na ako ay may pakinabang pa," sabi ng computer

Friday, February 11, 2011

Seeking For The Truth

Sometimes do you asked yourself the question why? Do you even asked somebody what is the reason of all the happenings here in the world? Where all life forms in earth came from? Or the big question is, how the universe being created? Does it undergoes some mutation or evolution in an empty space, or there is a God who created all these things as He created our first ancestors, Adam and Eve?

In old times, old caveman or we known as the people in the Paleolitic Period by history written by archeolgists, prove that they had simple living on that period. They only look for food, cook it, and then eat it. They sleep and rest to regain their energy needed for hunting animals to serve as their food. And also, they reproduce their own kind to save their specie. These are the basic activities and needs of human beings except for clothing and shelter. I tell these things because, people in ancient people in prehistoric times do not mind complicated things such as, ruling a small society, a nation, or ruling the whole world. They only think how will they survive. But, these things changed when people start to build system of societies that will secure their needs, this was called the community.

In the community, people try to secure their needs, properties, and other materialistic and non-materialistic things they owned. To make their community to become successful they hired or their leader. They make their own territories. They created their own culture that will symbolizes themselves and as their identification in their tribe and to know where tribe do they belong. As their community reaches the peak of success due to their rich culture, their civilization was born. There are many civilizations formed in ancient times, they fight against other civilizations in many reasons. They fight due to needs of larger territories, needs of slaves, needs in natural resources, or because of their different religion or philosophies. Well, I have been mention the word religion, so let us talk about religion.

Even they were in small tribe, people had to start their beliefs and religion. They made this to have explanation on what is the reason of many phenomenon and deluge. They think that their leader had a right divine to have conversation to their gods, so they follow whatever their will say, even it was a big sacrifice.

It might be the religion was one of the key to success of many great civilization, but it also be the reason in destruction of many lives. It might be only coincident that when they sacrifice, the deluge stops. If there is true God, and there are many different testaments about Him, why does the religion didn't tell about the extinct animals, plants, and other organisms.

On the other hand, in scientific explanation, why do scientists thought that all organisms follow the path of evolution? Where do these organisms evolved from? Even they collect many data, they cannot just say that an organism just evolved from singled-cell microorganism. Because they can't just ignore where this cell come from. There will be the time that new explanations will be discover, but for the meantime, what will you choose, the religion, or the science?